Linggo, Nobyembre 26, 2017

Edukasyon

          "Ang edukasyon ay ang pinakamakapangyarihang sandata na iyong magagamit upang baguhin ang mundo."
           Napakadali at simpleng kasabihan lamang ito.Edukasyon?Ano nga ba ang edukasyon?Ito ay isang salita na may siyam na letra ngunit kasinglalim ng isang balon ang ibig sabihin.Ito ay isang salita na para sa ibang tao ay ang salitang "lamang" ang kakambal.
           Ngunit gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? Sabi ng iba "Ang edukasyon ay ang solusyon upang tayo'y makarating sa ating destinasyon. Pero para naman sa iba, ang kahulugan nito sa kanilang bokubularyo ay maihahalintulad sa isang piso na nasa kanilang harapan na,pero hindi pa rin nila kinuha dahil ang kanilang katwiran ay "Piso lang 'yan,kaunti lang ang halaga niyan."
Mga batang nagsisikap upang matuto
           Pero para naman sa ibang bokubularyo, ang edukasyon ay maihahalintulad sa isang perlas, kahit ano mang lalim ng kinalalagyan nito, ay pupuntahan nila't sisisirin. Kaya nilang gawin lahat ng ito, basta't para sa pangarap. Kaya nilang akyatin ang bundok kahit gaano man kalakas ang bagyo, basta't maabot nila ang tuktok ng tagumpay.
         
Mga batang hindi nakakapag-aral
           Nakalulungkot lamang na isipin na ang karamihan sa mga kabataan Pilipino ay hindi nakapag-aral. Ang iba ay napapahinto dahil sa kakulangan ng pera. Ang iba naman ay pinapatigil na ng kanilang mga magulang kapag marunong nang magbilang, bumasa't sumulat. Ang kalimitang katwiran nila'y "Aanhin ba 'yang edukasyon na 'yan,kung sikmura mo nama'y kumakalam. Ang iba naman ay napapahinto na pagdating ng sekundarya sa kadahilanang maagang nagkakaroon ng pamilya na kalimitang dulot ng wasak na pamilya.
Mga mahihirap na Pilipino
   Marami ng Pilipino ang nalulugmok sa kahirapan ng buhay. Ito rin ang ugat ng lahat ng problema. Ngunit ang napakalaking katanungan ay "Paano ba ito masosolusyunan?"
Kabataang natulungan ng programang 4 P's

           Kamakailan lamang, nagkaroon ng programa ang pamahalaan para sa edukasyon. Naglalayon ito ng pagbibigay ng tulong para sa kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera buwan-buwan. Ang programang ito ay tinawag na 4 P's o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Nakatulong ito sa pag-aaral ng milyon-milyong kabataang Pilipino. Hinigit nito pataas ang kapasidad ng mga Pilipino na matuto. Talagang nagkaroon ito ng napakalaking tulong, hindi lamang sa mga bata, kung hindi pati na rin sa kanilang mga magulang.
          Huwag naman sana nating sayangin ang ating opurtunidad na mag-aral. Gamitin natin ito ng wasto. Hindi pa huli ang lahat para tayo'y magbago. Palagi dapat nating tandaan na " Karukhaan ay hindi hadlang sa pagkakamit ng ating mga pangarap."







         



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento